Relying from the Love of Christ

Ayon kay Manny Pacquiao,  may requirements ang bawat believer sa kanyang salvation, at isa dito ay ang obedience.  Obedience sa salita ng Lord. Hindi madaling sumunod kung wala kang malalimnna kaunawaan sa iyong salvation at pagkakakilala sa iyong Saviour at yun ay si Jesus Christ. Mahirap magsabi ng Kristyano ka dahil ayung sa head pastor ng CCF na si Peter Tanchi, Christian life is impossible. Lahat mahirap dahil ito ay isang journey, takbuhin sa iba naman ay laban. 

Kagaya ko na isang ina, marami akong pinaglalabanan sa loob ng sarili ko at sa loob ng bahay ko. Kumuha ako ng katulong para magampanan ko ng maayos ang aking mga tungkulin. Pero, sa kasalukuyan kong kalalagayan, ay mukang hindi ko mas lalong magampanan ang aking pagiging nanay.  Madami akong palpak na nakikita sa aking katulong at lalo akong nasstress. 

Eto ang tingin ko. Pero gusto kong lawakan ang pagtingin ko sa mga bagay. Gusto ko siya unawain atmmaging rational na tao. Gusto kong iayos ang pakikitungo ko sa kanya, dahil nakakasalalay dito ang aking pagiging Kristyano.  

Kung babalikan ko ang pagkatao ko bago ko makilala si Jesus Christ,  maaring marami na akong maling ginawa sa taong ito. May ilan ilan na nga akong nagagawa na mali patungkol sa kanya. Nagrereflect ito ng kahinaan ng aking faith. Sabi ng salita ng Lord, trust in Him and not on your own understanding.  

Habang nakikipaglaban ako sa aking damdamin na gusto ko na siyang paalisin, naalala ko ang laging itinuturo ng aking mga tagapagturo nung akoy naguumpisa sa pananampalataya, "huwag kang gagawa ng desisyon kapag galit ka." At habang naglalaban ang katwiran ako at pananampalataya,  mas pinili kong lumapit sa Lord. Dahil hindi ko talaga kayang ikontrol ang tumatakbo sa isip ko. Pero ayon sa salita ng Lord, His grace is sufficient and His power is perfected in our weaknesses. 

At ito ang kahinaan ko, ang mag control ng aking galit. Ito ang ginagamit ng kaaway para talunin ako. Pinagmumuka niya akong malakas at nasa pedestal kapag nailalabas ko ang galit ko sa mga situwasyong hindi ayon sa gusto ko. Isang makasariling pagtanaw sa mga kabagayan. At sa aking pagiisip (though hindi pa ako lubusang kumakalma) ngayon, maaring hindi ang aking katulong ang kaaway ko dito, kundi ang kaaway ng mga nagmamahal at nagpipilit makasunod sa Lord. 

Ayon sa isa kong nabasa, ang soundness ng heart ng isang tao ay nagrereflect ng kanyang dependence sa Lord. At ngayon pipiliin ko kumalma at wag maapektuhan ng gawa ng kaaway. Anuman itong nangyayari ngayon, alam kong kasama ko ang Lord at hindi niya papababayaan ang taong nagkukubli sa kanyang aruga at pagibig. 

Dahil binago na ako ng Lord. Alam kong kaya ko na rin tingnan ang mga bagay, situations at tao sa paraan tulad ng sa Lord. Ito ay ang pagkakaroon ng pagibig at kahabagan sa bawat pagkakataon. 


Comments